Local officials sa Laguna, inireklamo ng vote buying

Batay sa complaint affidavit, mayroong mahigit sa 30 testigo at mga ebidensya gaya ng mga litrato at vi­deos na nagpapatunay ng kanilang alegasyon ng bilihan ng boto sa iba’t ibang barangay sa Binan City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ipinagharap ng reklamo sa Commission on Elections ang ilang lokal na opisyal ng Biñan City, Laguna dahil sa umano’y malawakang “vote-buting” sa katatapos na Eleksyon 2022 nitong Mayo 9.

Kabilang sa mga kinasuhan ng umano’y pamimili ng boto sina Biñan City Rep. Marlyn “Len” Alonte-Naguiat, Mayor Walfredo ­Dimaguila Jr. at Vice Mayor Angelo Alonte.

Ang complaint affidavit ay inihain nina Michael Gerard Thomas Ponce Yatco, Audrey Amoroso at Christopher Santos sa Comelec sa pamamagitan ng kanilang counsel na si Atty. Gabriel Prudente.

Batay sa complaint affidavit, mayroong mahigit sa 30 testigo at mga ebidensya gaya ng mga litrato at vi­deos na nagpapatunay ng kanilang alegasyon ng bilihan ng boto sa iba’t ibang barangay sa Binan City.

Partikular na tinukoy nila ang pamamahagi ng stubs, sample ballots at umano’y pera sa loob o paligid ng lugar ng botohan sa araw ng eleksyon.

Hiniling nila sa Comelec na tanggalin sa puwesto ang mga ­inirereklamo sa inilarawan nilang sistematikong aktibidad ng vote-buying.

Show comments