^

Bansa

K-12, rebyuhin imbes abandonahin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa halip na abandonahin, dapat na pag-aralan na lamang at rebyuhin ang K-12 curriculum.

Sinabi ni Senador Sonny Angara, sa kanyang pananaw ay hindi dapat abandonahin ang nasabing programa dahil sa tingin niya ay hindi pa ito naipapatupad ng maigi.

Ayon kay Angara, kabilang sa mga pangakong hindi naipapatupad ay ang maayos na science track o arts at sports track para sa Grade 11-12 na hanggang ngayon ay hindi nakikita sa lahat ng parte ng bansa.

Isa lang umano ito sa maraming pag-uusapan dapat sa implementasyon ng K-12.

Bukod pa umano rito ang isyu ng pondo na kaila­ngang tugunan at mabigyan ng focus dahil nagbukas na ang bansa at parekober na ang ekonomiya.

Ang reaksyon ng senador ay dahil sa pahayag ni Vice President-elect Sara Duterte na ipinarerepaso ni President-elect Bongbong Marcos ang K-12 program dahil mayroong mga panawagan na i-abolish na lamang ito.

vuukle comment

K-12

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with