^

Bansa

Pamilya Marcos at Duterte, magkaalyado ‘for life’ - Imee

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang buhay uma­nong magka-alyado ang pamilya Duterte at ang pamilya Marcos.

Sinabi ni Sen. Imee Marcos, na ginawa nila ng pamilya nila ang commitment matapos ang oath-taking ni vice-president elect Sara Duterte sa Davao City nitong Linggo kung saan sinaksihan din ng Pangulo at ng kanyang kapatid na si president elect-Bongbong Marcos.

Sinabi pa ni Imee, na maaasahan sila ng mga Duterte, ng Davao at ng Mindanao at magiging prayoridad nila ito tulad ng panahon ng kanyang ama na si yumaong Ferdinand Marcos Sr.

Giit pa ng senadora, Solid North sila dahil Ilocano sila at Solid South din dahil affiliated at allied sila ng Duterte “for life” o habambuhay.

Ang mga Marcos ay mula sa Ilocos Norte habang ang mga Duterte ay mula sa Davao City.

Matatandaan na noong Agosto 2016 dalawang buwan pagkatapos maupo sa pwesto ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos Sr. sa kabila ng pagtutol ng marami.

Nang tanungin naman si Imee kung ano ang ibinulong niya kay Pangulong Duterte noong inagurasyon, sinabi niya na pinasalamatan lang umano niya ang Pangulo.

Sagot naman umano ng Pangulo na wala naman siyang ginawa subalit sinabi ni Imee na marami siyang bagay na ginawa sa loob ng anim na taon kung saan maraming Filipino ang proud sa kanya.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with