Malacañang sa mga Pinoy: Suportahan si Vice President-elect Sara
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Malacañang sa mga Filipino na suportahan si Vice President-elect Sara Duterte.
Sa pahayag ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, nagpasalamat siya sa mga Filipino dahil sa tiwala at suporta na ibinigay sa bagong Bise Presidente.
Panawagan ni Andanar, suportahan si VP Duterte at lahat ng mga bagong halal na lider ng bansa dahil sa bago nilang responsibilidad at mga hamon na kakaharapin para matupad ang kanilang mandato na magbigay ng genuine na pagbabago sa bansa.
“Let us stand behind Vice President-elect Duterte and all other newly elected leaders as they embark on the responsibilities and challenges of their offices and fulfill their mandate of delivering genuine change to our beloved country,” sinabi pa ni Andanar.
Kahapon isinagawa ang inauguration ni Duterte sa kanilang balwarte sa Davao City at nanumpa bilang 15th vice-president ng Pilipinas kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Ang nasabing inauguration ay dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, mga diplomat mula sa ibat ibang bansa gayundin ng mga matataas na opisyal ng gobyerno at ng mga senador.
- Latest