^

Bansa

Pinas dapat makalikha na ng CDC vs pandemya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Panahon na upang makalikha ang Pilipinas ng Center for Disease Control upang mapaghandaan ang mga lumalaganap na sakit tulad ng COVID-19 pandemic.

Ito ang binigyang diin at panawagan ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda (2nd District Albay) bilang tugon sa babala mula sa US Center for Disease Control kaugnay sa maraming kaso ng “monkeypox” na lumilitaw sa maraming bahagi ng mundo na hindi naman nagpapakita ng karaniwang mga sintomas.

Nitong Hunyo 9, nasa 1,300 kaso ng “monkeypox” ang naitala na sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, ayon sa solon ay wala pang kaso nito sa Pilipinas pero nagpalabas na ng babala at mga gabay ang Department of Health (DOH) kung paano ito maiiwasan at mapaghahandaan.

“Malala man o hindi, tiyak na darating ang hawaan nito sa Pilipinas. Gaya ng natutunan ko nang gobernador ako ng Albay, lalapitan ka ng kalikasan kaya kailangang maihanda mo ang iyong kakayanang tugunan ito. Kailangan natin ang mga institusyon, kakayanan, kultura, pamamaraan ang mga kailangan upang harapin at tugunan ito,” ayon pa sa ekonomistang si Salceda.

Binigyang diin ni Salceda na kailangang matutong tugunan ng bansa ang mabilis na kumalat na mga sakit tulad ng monkeypox, COVID-19, at ang nakakahawang ‘avian flu’ o trangkasong mula sa ibon.

Naipasa na ng Kamara noong Hulyo 2021 ang panukalang HB 9560 na iniakda ni Salceda  para lumikha ng CDC kung saan mapapasailalim ang lahat ng mga ahensiyang nakatuon sa mapanghawang mga sakit.

Kaugnay nito, umaasa naman si Salceda na gagawin ding prayoridad ng incoming na administrasyon ni President–elect Bongbong Marcos ang CDC.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with