^

Bansa

Higit P4 taas sa diesel, P1.70 sa gasolina nakaamba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit P4 taas sa diesel, P1.70 sa gasolina nakaamba
Motorists stock up on fuel before midnight of June 7 as prices are set go up. As of June 2022, gasoline prices have hit as high as P82 per liter while diesel prices reached P85 per liter, according to industry figures.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nagbabadya na naman ang panibagong round ng big-time hikes sa mga presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.

Sa fuel price forecast para sa June 14 hanggang 20 trading week, sinabi ng UniOil na ang presyo kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P4.30 hanggang P4.50 habang ang presyo naman ng gasolina ay maaaring madagdagan ng P1.50 hanggang P1.60 kada litro.

Ayon naman sa isang oil industry source, maaa­ring ang presyo ng diesel ay tumaas sa pagitan ng P4.20 at P4.50 kada litro habang ang gasolina ay maaaring tumaas ng P1.40 hanggang P1.70 kada litro.

Nangangahulugan ito na ang presyo ng diesel ay makakapagtala na ng mahigit P10 pagtaas sa nakalipas lamang na dalawang linggo, matapos na magtaas ng higit P6.00 kada litro noong Martes.

Samantala, ang presyo naman ng kerosene ay maaaring tumaas din ng P4.75 hanggang P5 kada litro.

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na inaasahan na nilang magpapatuloy pa sa pagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo bunsod na rin ng patuloy na giyerang nagaganap sa pagitan ng mga bansang Ukraine at Russia, pagtanggi ng European countries na umangkat ng langis mula sa Russia, summertime sa northern hemisphere countries at pagluluwag ng lockdowns sa China.

vuukle comment

FUEL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with