^

Bansa

Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipatutupad pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya.

Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng mahusay na serbisyo publiko.

Ang inaprubahang flexible work arrangement ay magkakabisa sa Hunyo 15.

Nakapailalim ito sa pagpapasya ng pinuno ng ahensya sa kondisyon na ang lahat ng kanilang mga stakeholders ay tuluy-tuloy na maghahatid ng mga serbisyo mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Nagbibigay din ito ng reasonable work arrangements para sa mga senior citizen, mga buntis at mga ina na nagpapasuso, mga taong immunocompromised na may malalang kondisyon, at mga taong dumanas ng mga aksidenteng nakakaapekto sa kanilang mobility pero maaari pa ring magtrabaho physically at mentally.

Kabilang sa mga work arrangements ang Flexiplace - ang mga opisyal at empleyado ay maaaring pahintulutan na magbigay ng mga serbisyo na malayo sa kanilang opisina; at 40-hour work week na gagawin sa loob ng apat na araw sa halip na lima; Flexitime, kung saan ang mga empleyado ay pinapayagang mag-ulat sa pagitan ng 7 am - 7 pm.

vuukle comment

CSC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with