^

Bansa

Higit P6 taas sa diesel, higit P2 sa gasolina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit P6 taas sa diesel, higit P2 sa gasolina
Ayon sa isang oil industry source, base sa May 30 to June 3 oil trading, ang presyo kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng mula P6.30 hanggang P6.60.
STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Panibagong big-time increase sa pres­yo ng mga produktong petrolyo sa bansa ang nakaamba sa susunod na linggo.

Ayon sa isang oil industry source, base sa May 30 to June 3 oil trading, ang presyo kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng mula P6.30 hanggang P6.60.

Samantala sa ga­solina ay maaaring madagdagan din ng mula P2.50 hanggang P2.80 kada litro.

Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na kabilang sa maaaring mga dahilan nang posibleng pump price hikes ay ang pagtaas ng demand para sa northern hemis­phere countries dahil sa summer peak period mula Hunyo hanggang Setyembre; Russian oil ban ng European Union; at pagpapaluwag ng lockdown sa China na inaasahang magpapadagdag din ng oil demand.

Karaniwan nang ini­aanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes at ipatutupad naman ito sa susunod na araw ng Martes.

vuukle comment

FUEL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with