^

Bansa

Minimum wage hike sa Calabarzon, Davao aprub

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda nang matamasa ng mga manggagawa ang hirit ng labor sector na umento sa arawang suweldo matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P47- P97 dagdag sa Region 4A.

Inaasahang makikinabang dito ang halos 6 milyong manggagawa ng Region 4A o Calabarzon na sakop ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, ayon kay Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE) 4A.

Aniya, ginawa nilang competitive ang taas sa minimum wage pay upang hindi na umalis sa Region 4A ang mga manggagawa, sa halip na magtrabaho pa sa Metro Manila.

Bukod sa Calabarzon, sinabi ni DOLE chief information officer Rolly Francia na ang aprubado na rin ng RTWPB ng Davao Region ang P47 dagdag sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa lahat ng sektor.

Ani Francia, Hunyo 3, magkasabay na inaprubahan ng dalawang RTWPB ang nasabing resolusyon na isusumite sa National Wages Productivity Commission para sa review at approval.

Kapag naaprubahan na, maipatutupad na ang nasabing umento matapos ang 15-araw na mailathala.

Sinabi ni Guzman na ang pagtaas ng suweldo sa Calabarzon ay ibibigay sa dalawang tranche–ang unang tranche ay magkakabisa 15 araw pagkatapos ng publikasyon at ang pangalawang tranche ay makalipas ang anim na buwan.

“By next year, we expect the entire pay hike to be in full effect,” ani Guzman.

Samantala, kahapon (Hunyo 4) naman ang effecti­vity sa P33 dagdag sa daily minimum wage sa National Capital Region (NCR).

vuukle comment

DOLE

WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with