^

Bansa

5K pulis-Maynila, ikakalat sa Marcos inauguration

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5K pulis-Maynila, ikakalat sa Marcos inauguration
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na sisiguruhin nila na bantay-sarado ang ­paligid habang bumuo na ang PNP ng Task Force Manila na siyang pangunahing puwersa nila na magbabantay sa seguridad.
STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nasa 5,000 tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ikakalat sa bisinidad ng National Museum sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na sisiguruhin nila na bantay-sarado ang ­paligid habang bumuo na ang PNP ng Task Force Manila na siyang pangunahing puwersa nila na magbabantay sa seguridad.

“We will initiate ‘yung traffic control and ­management natin. Busy streets kung saan nandun ‘yung National Museum ay inaasahan natin na maaaring magkaroon ng mga traffic rerouting doon sa mga ibang pangunahing kalsada diyan,” saad ni Fajardo.

Simula sa Lunes Hunyo 6 hanggang Hulyo 4, sarado muna ang National Museum bilang bahagi ng security plan.

Magtatalaga naman ng mga parking areas sa museum habang may ilalaan na mga lugar tulad ng mga ‘freedom parks’ para sa mga inaasahang kilos-protesta na pangu­ngunahan ng militanteng grupong Bayan.

Samantala, sinabi ni MPD Public Information Office head, Police Major Philipp Ines na patuloy pa rin ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya para sa ilalatag na aktuwal na seguridad.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with