‘SSS on Wheels’ sa mga vendor, inilunsad
MANILA, Philippines — Nagsagawa ng “SSS on Wheels” ang pamahalaang lungsod ng Pasay City sa Pasay public market nitong Huwebes (Hunyo 2), sa layuning maging miyembro ang mga vendor.
Nagsimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang aktibidad sa public market driveway sa kahabaan ng Libertad Street, Pasay City.
Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang “SSS Service on Wheel” ay proyekto ng Pasay City Public Market Multi-Purpose Cooperative.
Aniya, pinasimulan ng multi-purpose coop ang proyekto para matulungan ang mga vendor na maging miyembro ng Social Security System (SSS).
Sinabi ng alkalde na bukod sa mga vendor, tinanggap din ng “SSS Service on Wheels” ang mga residenteng gustong maging miyembro basta lahat ng mag-aaplay ay dapat makapagprisinta ng dalawang valid IDs.
Sinabi ni Rubiano na ang “SSS Service on Wheels” ay tatanggap din ng salary loan transaction, sickness and maternity leave, retirement, death and funeral transactions, at member data change request.
- Latest