^

Bansa

5 pang Omicron subvariant naitala ng DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 pang Omicron subvariant naitala ng DOH
Artist's rendition of coronavirus.
Pixabay

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 22 ang bilang ng kaso ng Omicron subva­riant BA.2.12.1 sa bansa matapos makapagtala pa ng limang bagong kaso mula Western Visayas.

Sinabi ni Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho sa isang briefing ng DOH, na sa limang bagong kaso, natukoy na tatlo ang fully vaccinated returning overseas Filipinos (ROFs) na nagmula sa United States at dalawang lokal na kaso, na kapwa fully vaccinated din.

Ang limang bagong kaso ng BA.2.12.1 ay nagdala sa kabuuang bilang ng mga kaso sa 22. Labing-walo sa mga ito ay locally-acquired — dalawa mula sa National Capital Region, 12 mula sa Puerto Princesa sa Palawan, at apat mula sa Western Visayas.

Samantala, ang apat na impeksyon ay mula sa mga ROF na naninirahan sa Western Visayas.

Noong Mayo 17, kinumpirma ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na natukoy din ng bansa ang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, kasama ang mga bagong kaso na natagpuan sa rehiyon ng Western Visayas.

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with