^

Bansa

2 milyong COVID-19 vaccines mae-expire sa Hunyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 milyong COVID-19 vaccines mae-expire sa Hunyo
Residents of Marikina City line up for a booster shot at the Marikina Sports Complex on Monday (January 3, 2022).
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang mapaso sa katapusan ng Hunyo ngunit maaari pang madagdagan ang bilang dahil hindi pa ito pinal.

“Sa ating expiring na vaccine, we will have the final numbers by end of May. But hanggang June we are expecting kung hindi ma-jab almost 2 million kung hindi magamit by end of June,” saad ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na sa Laging Handa briefing.

Nagsumite naman ng ‘demand forecast’ ang DOH ng 34 milyong doses na binubuo ng mga pampalit sa mga nag-expire na at mae-expire pa lang na doses.

Nagpasabi naman ang COVAX sa Pilipinas na ang pampalit sa mga bakunang ito ay manggagaling sa iba’t ibang sources hindi lamang sa kanila. Ngunit kinukunsidera ng COVAX na palitan ang mga bakuna na binili ng pamahalaan maging ang binili ng mga pribadong sektor at ng mga lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, nasa 73.7 milyong Pilipino na ang nabigyan ng kahit isang dose ng bakuna habang nasa 69.1 milyon ang bakunado na. Nananatiling hamon naman ang pagbibigay ng booster shot.

Para sa ikalawang booster, nasa 171,000 indibidwal na ang nabigyan nito makaraang umabot sa 83,000 senior citizens at 36,000 frontline healthcare workers ang nagpabakuna.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with