^

Bansa

Whistleblower Jun Lozada, talo sa graft case sa SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namumurong ma­sadlak ngayon sa kulungan si NBN-ZTE deal whistleblower Jun Lozada makaraang panatilihin ng Supreme Court ang hatol na guilty sa kaniya kaugnay ng isang kasong graft kasama ang kaniyang kapatid.

Partikular ito sa pag-award ni Lozada sa kaniyang kapatid sa ‘leashold right’ ng nasa 6,599 ektaryang lupain ng gobyerno noong siya pa ang presidente at chief executive officer ng Philippine Forest Corporation (PhilFo­rest) noong 2007.

“My appeal at the Supreme Court was denied. They affirmed my conviction by the Sandigan (Sandiganbayan) to a 6-10 years prison term at the Bilibid (New Bilibid Prisons),” mensahe ni Lozada sa ilang kaanak, at kaibigan kabilang ang ilang mamamahayag.

Sinabi niya na maaaring ang ­desisyon laban sa kaniya ay maaaring dahil sa ginawa niyang ‘expose’ sa Senado ukol sa kontrata sa broadband ng pamahalaan sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“My enemies made good with their threats that they will make me regret for telling the truth,” dagdag niya.

Sa mga pagdinig sa Senado noong 2007 hanggang 2008, nagbigay ng testimonya si Lozada na ibinulsa ng ilang opisyal ng pamahalaan ang milyun-milyong piso na lagay para maaprubahan ang broadband deal.

Sa kabila ng napi­pintong pagkakulong, sinabi ni Lozada na hindi siya nagsisisi sa kaniyang paglantad at pagtestigo para maisiwalat umano ang katotohanan sa taumbayan. Pinasalamatan din niya ang lahat ng taong sumuporta at naniwala sa kaniya.

vuukle comment

GRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with