^

Bansa

Transport groups nagpasalamat kay Duterte sa PUV modernization, libreng sakay programs

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Transport groups nagpasalamat kay Duterte sa PUV modernization, libreng sakay programs
Commuters occupy a lane as they wait for available public transport along Commonwealth Avenue in Quezon City before dawn, Monday (May 16, 2022). The National Capital Region (NCR) remains in Alert Level 1 status until the end of the month.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang transport groups kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte at kay Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagpapatupad ng Public Utility Modernization Program at Libreng Sakay program.

Pinangunahan ni Atty. Vigor Mendoza II, Chairman at President ng 1-United Transport Alliance Koa­lisyon (1-UTAK) at Fleet operator ng Beep Jeep ang paglagda ng mga grupo ng transportasyon sa isang bukas na liham ng pagpapasalamat sa administrasyon.

Binigyang-diin ng halos 50 Metro Manila Transport Group (MMTG) leaders na ang matatag na political will ng Pangulo at ng DOTr ang naging susi sa matagum­pay na pagpapatupad ng modernization at libreng sakay.

Ayon sa grupo, dahil sa mga programang ito, napaganda ang kanilang serbisyo sa mga pasahero partikular ang pagtiyak na air conditioned ang mga sasakyan at mas disiplinadong driver.

Naitaas din ang kita ng bawat tsuper na umaabot sa higit sa P1,000 kada araw, at may benepisyo pa silang PhilHealth, SSS at Pag-IBIG bukod pa sa naibaba ang mga gastusin dahil sa pagpapatupad ng fleet management system, automated fare collection system at GPS system.

Kasabay nito, umaasa ang grupo ng transportasyon na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang PUJ Modernization at Free Rides Program dahil marami pang pagpapaganda ang maaaring gawin upang mahikayat pa ang publiko na tangkilikin ang mga programa.

“Maraming pagsubok ang dinaanan ng industriya ng transportasyon gaya ng patuloy na pagtaas ng pres­yo ng krudo, pagtaas ng mga bilihin, trapiko at lockdown dahil sa pandemya. Kung hindi dahil sa PUJ Mo­dernization at Free Rides Program, malamang nagsarado na kami,” pahayag ng grupo.

vuukle comment

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with