^

Bansa

Kauna-unahang Heroes Award iginawad kay Rep. Salceda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kauna-unahang Heroes Award iginawad kay Rep. Salceda
Ang HEROES ay daglat ng ‘House [of Representatives] Exponents of Responsive and Outstanding Engagement in Science.’ Ang parangal ay personal na iginawad kay Salceda ni DOST Secretary Fortunato De La Peña sa Legazpi City noong Martes.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, ginawaran ng Department of Science and Technology (DOST) ang ekonomistang si 2nd District Rep. Joey Salceda ng “Heroes Award”, bilang simbolo ng pagkilala sa pagsusumikap ng mambabatas na lumikha at isulong ang mga panukalang batas na may kinalaman sa siyensa, teknolohiya at sa makabuluhang pagbabago sa bansa.

Ang HEROES ay daglat ng ‘House [of Representatives] Exponents of Responsive and Outstanding Engagement in Science.’ Ang parangal ay personal na iginawad kay Salceda ni DOST Secretary Fortunato De La Peña sa Legazpi City noong Martes.

Kasunod ito ng pagpapasinaya sa bagong gusali ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Legazpi City. Si Salceda ang humanap ng pondo para sa naturang gusali ng PAGASA na nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOST.

“Panghabang panahong tatanawing utang na loob ng DOST ang mahahalagang batas na naiambag ni Salceda sa ‘science and technology’ gayundin sa mga programa at proyektong may kaugnayan dito,” saad ni dela Peña.

vuukle comment

DOST

JOEY SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with