^

Bansa

'Give him a chance': Cayetano nagbago tono sa 2022 Marcos presidency

James Relativo - Philstar.com
'Give him a chance': Cayetano nagbago tono sa 2022 Marcos presidency
Litrato ni senator-elect Alan Peter Cayetano (kanan) habang itinataas ni Comelec Commissioner George Garcia (kaliwa) ang kanyang kamay, ika-18 ng Mayo, 2022
Released/Comelec

MANILA, Philippines — Imbis na maanghang na kritisismo, "welcoming" si 2022 senator-elect Alan Peter Cayetano sa parating na administrasyon ni presumptive president Ferdinand "Bongbong" Marcos — ito kahit na ang nabanggit ilang taon na ang nakaraan.

Matatandaang sinabon sa debate ni Cayetano si Bongbong noong magkalaban pa sa pagkabise presidente noong 2016, kung saan idiniin ng una ang ikalawa sa isyu ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

"He was elected, he is set to be proclaimed, give him a chance, let's see what he does then let's judge it later on," wika ni Cayetano, Miyerkules, sa isang conference matapos ang kanyang proklamasyon.

"Kasi, it is easy to judge him and his family before this [election]. Malinaw 'yun eh... But do not follow blindly."

Anak si Bongbong ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na napatalsik sa pamamagitan ng 1986 People Power uprising. Tinapos nito ang mahigit 20 taong pamumuno at diktadura ng ikalawa. Aabot na sa P174.23 bilyong halaga ng nakaw na yaman na ang nababawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) mula sa Marcoses noong 2020.

Ngayong inaasahan ang pag-upo ng isa na namang Marcos sa Palasyo, sinabi ni Bongbong na layon niyang gawin itong "tunay" na anti-corruption agency hindi lang laban sa mga Marcos, bagay na pinangangambahan nang marami.

Sa kabila ng paglambot ng pakikitungo ni Cayetano kay Marcos, iginiit naman niyang pareho pa rin ang pananaw niya pagdating sa kwestyonableng yaman ng mga Marcos.

"Hindi nag-iba iyon. I did not retract. The issues on the Marcos family will remain, and it is up for them to answer and for the media to hound them and hold them accountable," dagdag niya.

"But he [Bongbong] is elected, and let us give him a chance sa posisyon na 'yun."

Matapos ang harapan nina Cayetano at Marcos noong 2016, matatandaang ini-skip ni Bongbong ang mga debate't presidential forums ngayong 2022 gaya na lang ng inihanda ng GMA News, CNN Philippines, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at Commission on Elections.

Sa kabila nito, dumalo siya sa debate na inihanda ng SMNI News, bagay na pinatatakbo ni Apollo Quiboloy na nag-endorso sa kanya.

Bukod sa mga nabanggit na isyu sa itaas, hinahabol pa ng Bureau of Internal Revenue and pamilya Marcos kaugnay ng hindi pa nababayarang estate tax na sinasabing nagkakahalaga ng P203.8 bilyon. Pinangangambahan ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na baka hindi na ito makuha tuloy.

Una nang nahatulan ng guilty para sa pitong counts ng graft ng Sandiganbayan ang ina ni Bongbong na si Imelda Marcos.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

ALAN PETER CAYETANO

BONGBONG MARCOS

CORRUPTION

ILL-GOTTEN WEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with