^

Bansa

Pinas may local transmission na ng Omicron sub-variant

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas may local transmission na ng Omicron sub-variant
People walk past the entry gates of a polling station at an elementary school during the presidential election in Manila on May 9, 2022.
AFP / Chaideer Mahyuddin

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na may local transmission na ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa makaraan ang masusing pag-aanalisa ng University of the Philippines - Philippine Genome Center (UP-PGC), UP-PGC Visayas, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at mga lokal na epidiomology at surveillance units.

Ayon sa DOH, nakatukoy na sila ng mga kaso sa National Capital Region, Western Visayas Region, at Puerto Prin­cesa City.

Ang lokal na transmisyon ay tumutukoy sa mga lokal na kaso na hindi maikokonekta sa mga kaso na may international ‘travel history’.

Sa mga pinakahuling ebidensya, natukoy na mas nakahahawa ang Omicron BA.2.12.1 dahil sa dagdag na mutasyon nito kumpara sa orihinal na Omicron strain. Hindi naman umano ito naob­serbahan na nagdudulot ng malulubhang sakit ngunit nakakatakas ito sa ‘immunity’ ng isang tao.

“Now that we have local transmission of Omicron BA.2.12.1, we must act fast. We are asking our health facilities and local government units to actively look for cases,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Bilang tugon, palala­kasin umano ng DOH ang agarang pagtukoy at isolation sa mga pasyente at lalo pang paghahanda sa kapasidad ng ‘health system’. Hindi naman na kailangang ipatupad ang restriksyon sa pagbiyahe at ‘screening at testing’ sa mga border dahil sa may mataas nang ‘vaccination cove­rage’ ang bansa.

Iginiit naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ngayon na mababa pa ang kaso ang pinaka tamang panahon para magpabakuna na ang hindi pa nakakatanggap ng ‘primary vaccination’ at ‘booster shot’.

vuukle comment

DOH

OMICRON SUBVARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with