^

Bansa

Marcos nag-bakasyon sa Australia, ilang Pinoy doon nag-protesta

James Relativo - Philstar.com
Marcos nag-bakasyon sa Australia, ilang Pinoy doon nag-protesta
File photo ni 2022 presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (kaliwa) habang sinasalubong ang supporters sa kanilang headquarters; Mga migranteng aktibista't Kakampink (kanan) na nagproprotesta sa Melbourne, Australia dahil sa pagdating ni Bongbong
AFP / Ted Aljibe; Released / Anakbayan Melbourne

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng tagapagsalita ni 2022 presumptive president Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na lumipad siya ngayon sa bansang Australia para magpahinga — ito matapos manguna sa partial and unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa tagapagsalita ni Bongbong na si Vic Rodriguez, Martes, naroon siya ngayon para ma-"enjoy" ang nalalabing mga araw bilang pribadong mamamayan.

"It's a private trip made by president-elect Bongbong with his family and yes, it was confirmed by no less by our... Philippine Ambassador to Australia, her excellency Helen dela Vega," wika ni Rodriguez sa isang live stream.

"President-elect is coming home this Thursday. I think in total, he's just out for three and a half days for a much needed vacation."

 

 

Naroon ngayon sina Bongbong habang birthday ng kanyang anak na si Vinny Marcos, na una nang naiulat na mag-enrol sa University of Melbourne.

Kanina lang nang iulat ng Australian press gaya ng Sydney Morning Herald ang "secret trip" aniya nina Bongbong.

Nakausap na rin daw sa isang tawag ni Australian Prime Minister Scott Morrison si Bongbong, anak ng napatalsik na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ngayong umaga (oras sa Pilipinas) habang binabati ang Pilipinas sa nangyaring eleksyon.

"He [Morrison] affirmed 'yung kanilang gobyernong patuloy na mainit at close interaction at pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Republika ng Pilipinas at pagbati na rin sa malinaw at malinis na tagumpay ni president-elect Bongbong," sabi pa ni Rodriguez.

'Wala man lang pasabi sa mga kababayan'

Pero hindi lahat ng taga-Australia ay ikinatuwa ang pagdating ni BBM sa kanilang bansa, kasama na rito ang Filipino-Australian sa Melbourne.

Nag-abang ang mga naturang migranteng Pinoy sa Victoria One complex, kung saan sinasabing naroon sina BBM, habang hawak-hawak ang mga placard.

Kasama sa mga panawagan ang mga salitang: "Reject Marcos-Du30," "Never again to fascism & tyranny," "Tax evaders not welcome here!" at "Marcos magnanakaw."

"As the presumptive president-elect, it is shocking that the Filipino people are not made aware that BBM has left the country," sabi ng International Leage of Peoples' Struggle at Anakbayan Melbourne.

"He is currently in Melbourne, Australia where Kakampinks and Filipino-Australians welcome him with a protest."

 

 

Matatandaang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pamilya Marcos kaugnay ng hindi pa rin nila nababayarang estate tax, bagay na sinasabing nasa P203 bilyon na. Bukod pa ito sa isyu ng ill-gotten wealth ng ama ni Bongbong na si Ferdinand Sr.

2022 NATIONAL ELECTIONS

AUSTRALIA

BONGBONG MARCOS

VIC RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with