^

Bansa

Remittances ng OFWs bumawi nitong Abril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas ang ipinapadalang ‘remittances’ ng mga ‘overseas Filipino workers (OFWs)’  nitong buwan ng Abril makaraan ang pagbaba nito noong Pebrero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, naitala sa 3.2% o $2.594 ang mga cash remittances na ipinapadala sa pamamagitan ng mga bangko mula sa dating $2.514 bil­yon sa parehong buwan noong 2021.

Ayon sa BSP, ang pagtaas sa cash remittances ay dahil sa paglago ng pinapadala ng mga OFWs na ‘land-based’ at ‘sea-based’.

Sa mga ‘land-based OFWs’, lumago ang kanilang padala ng 3.7% o $2.021 bilyon mula sa $1.948, habang ang mga padala ng mga ‘sea-based OFWs’ naman ay tumaas ng 1.3% o  $573 milyon mula sa $566 milyon.

Tinukoy ng BSP ang paglago ng padala mula sa Estdos Unidos, Japan, Singapore, Taiwan at Saudi Arabia.  Tumaas din ang ipinapadalang ‘remittances’ mula sa United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Qatar at Malaysia.

Ang ‘personal remittances’ o ang mga ipinapadala sa pamamagitan ng mga ‘informal channels’,  ay lumago rin ng 3.1% o $2.888 bilyon mula sa $2.801 bilyon.

vuukle comment

BSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with