^

Bansa

Duterte sa PMA graduates: Tapusin ang katiwalian sa bansa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa PMA graduates: Tapusin ang katiwalian sa bansa
Philippine Military Academy cadets march in formation at the graduation ceremonies of the "Bagsik Diwa" Class of 2022 on May 15, 2022 in this screenshot.
Screenshot from RTVM

MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga bagong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) ay ang mga susunod na lider ng bansa na magpoprotekta sa karapatan ng mamamayan at siyang tutuldok sa mga sakit ng lipunan.

Sa kanyang talum­pati sa harap ng 214 gra­duates ng PMA “Bagsik Diwa” Class of 2022 sa huling pagkakataon bago magtapos ang kanyang termino, sinabi ni Duterte na ang mga bagong gra­duate ay kabilang sa mga lalaban sa mga problema ng bansa gaya ng corruption, krimen at ilegal na droga.

“My administration was constrained to adopt extreme legal measures to fight society’s ills at the start of my term. Sad to admit, after six years, these ills hound us still though to some lesser degree of intensity,”pahayag pa ni Duterte sa kanyang speech sa PMA commencement exercises sa Fort General Gregorio del Pilar sa Baguio City.

Giit pa ng Pangulo ang korapsyon, red tape at ilegal na droga, mga krimen at kriminalidad ang mga maling dapat na itama.

“I guess it is in the hands of the next generation of Filipino leaders and movers where our salvation rests. You, the Bagsik Diwa Class of 2022 belong to that generation,” dagdag niya.

Binati rin ng Pangulo ang mga graduates at kanilang mga magulang dahil sa pagtatapos ng ilang taon sa PMA.

Hinikayat din ni Du­terte ang mga nagtapos na kadete na protektahan lagi ang karapatan ng bawat tao.

Ipinunto pa nitong bahagi raw ng kanilang trai­ning sa akademya na maging matapang, competitive at disiplinado.

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with