^

Bansa

Legarda nakasama sa posibleng maging Senate President

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Legarda nakasama sa posibleng maging Senate President
Sa papasok na 19th Congress, si Antique Rep. Loren Legarda ang maitutu­ring na pinaka-senior bilang three term senator. Siya rin ang natatanging babaeng senador na naging majority leader, naging chairman ng Senate committee on finance at dalawang beses na nag-number one sa senatorial elections.
STAR / File

MANILA, Philippines — Lumutang ang pangalan ni Antique Rep. Loren Legarda sa mga posibleng maging susunod na presidente ng Senado.

Bagaman at tahimik ang kampo ni Legarda, may mga nagsasabi na ang mambabatas ang pinaka-kuwalipikdo sa posisyon.

Sa papasok na 19th Congress, si Legarda ang maitutu­ring na pinaka-senior bilang three term senator. Siya rin ang natatanging babaeng senador na naging majority leader, naging chairman ng Senate committee on finance at dalawang beses na nag-number one sa senatorial elections.

Si Legarda ay kasalukuyang UNISDR Global champion for resilience, kinilala bilang Global Leader for tomorrow ng World Economic forum at Global Ambassador for Disaster Risk Reduction.

Kumbinsido si Senate President Pro tempore Ralph Recto na isa si Legarda sa pinaka-kwalipikado na maging susunod na Senate President sa pagpasok ng 19th Congress.

Kabilang sa mga lumulutang na mga pangalan na posibleng pumalit kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay sina Sen. Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, Francis “Chiz” Escudero, at Win Gatchalian.

Bagaman at si Robin Padilla ang nangunguna sa bilangan sa pinakahuling senatorial election hindi ito awtomatikong magiging lider ng Senado katulad ng haka-haka ng ilan.

Nauna nang sinabi ni Sotto na  ang susunod na lider ng Senado ay dapat master ang parliamentary rules at procedures.

Kailangan din aniya na pumapasok ito palagi at hindi pala-absent.

vuukle comment

LOREN LEGARDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with