^

Bansa

Protektahan ang inyong mga anak vs CPP-NPA

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

NTF-ELCAC sa mga magulang

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF- ELCAC) ang mga kabataan dahil ito umano ang target ng Communists Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na isama sa kanilang mga rally.

Sa pulong balitaan ng NTF-ELCAC, sinabi ni  National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo na pinaaalalahanan niya ang mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak mula  panghihikayat ng CPP NPA at magsagawa.mg crisis situation.

Kanya rin binalaan ang kampo ni Vice President Leni Robredo na huwag magpagamit sa CPP-NPA-NDF. Bagama’t hindi tahasang sinasabi na may  kinalaman si VP Robredo sa mga rally na inorganisa ng CPP-NPA-NDF, idinidikit ito sa pagkakatalo ni Robredo na umano’y naniniwala na nadaya siya sa nakaraang halalan.

Si NTF-ELCAC acting spokesperson on Legal Affairs, na si Prosecutor 2, Flosemer Chris Gonzales naman ay nagpahayag na respetuhin na ang boses ng nakararami o ang “voice of majority” at kailangang magkaisa at magkasundo na ang lahat sa natapos na proseso ng halalan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with