^

Bansa

Bagong subvariant ng Omicron natukoy sa 14 katao sa NCR, Puerto Princesa

James Relativo - Philstar.com
Bagong subvariant ng Omicron natukoy sa 14 katao sa NCR, Puerto Princesa
Lines are still long in Pinyahan Elementary School despite sweltering heat, and malfunctions of Vote Counting Machines, May 9, 2022.
Philstar.com/Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Na-detect ang ang unang 14 kaso ng mas nakahahawang BA.2.12.1 Omicron subvariant sa National Capital Region at probinsya ng Palawan, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.

Nagmula sa Metro Manila ang unang dalawang kaso sa Metro Manila, habang 12 naman sa kanila ay galing sa Puerto Princesa, Palawan. Parehong local cases ang mga nasa Kamaynilaan habang 11 dayuhan at isang local case naman ang nasa Puerto Princesa.

"Lahat naman sila [sa NCR] ay nakapagpa-booster na kaya naman mild ang kanilang sintomas noong tinamaan sila ng virus," wika ng DOH official.

"They have completed home isolation and are now tagged as asymptomatic and recovered."

 

 

Sinasabing may 39 close contacts ang dalawang nanggaling sa Metro Manila at hindi nagpapakita ng anumang sintomas. Bineberipika pa naman ang kanilang testing, quarantine at vaccination status.

Fully-vaccinated ang 12 na bagong subvariant sa Palawan, na siyang bahagi ng 15 COVID-19 cases doon noong ika-29 ng Abril.

"Sa kasalukuyan, lahat ng kaso [noon sa Palawan] ay asymptomatic at recovered na," dagdag pa ni Vergeire.

"Lahat sila ay bakunado. Ang kanilang 28 close contacts ay negatibo naman sa COVID pero inaalam pa rin ang kanilang kondisyon at vaccination status."

Sinasabing 23-27% na mas mataas ang growth rate ng BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 (stealth Omicron). Tinitignan na may "immune evasion" ngunit wala pa naman daw ebidensya na mas malalaking COVID-19 ang idinudulot ng BA.2.12.1.

Abril lang maitala ang unang kaso ng BA.2.12 sa Baguio mula sa isang 52-anyos na babae mula sa Finland. Gumaling naman na siya at umuwi ng kanilang bansa noong ika-21 ng Abril, 2022. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with