^

Bansa

Bong Go pinuri ang sakripisyo ng HCW sa gitna ng pandemya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pinakamataas na papuri at pasasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa lahat ng healthcare workers sa pagdiriwang ng National Health Workers’ Day noong Martes, Mayo 10.

Sa isang video message, sinabi ng senador na sa kabila ng banta ng pandemya, ang mga manggagawa sa pangkalusugan ay “magiting na nagtulak na iligtas ang pinakamaraming buhay hangga’t maaari.”

“Kapansin-pansin na ang inyong mga sakripisyo at pagsusumikap ay hindi nawalan ng kabuluhan.  Nga­yon, nakikita natin na ang mga bagong positibong kaso ay bumababa na dahil sa inyong serbisyo,” ani Go.

Gayunpaman, nagpahayag din ng kalungkutan at nagpaabot ng pakikiramay si Go sa pagkamatay ng ilang healthcare worker sa panahon ng krisis.

Nagpasalamat si Go sa kanilang sakripisyo at ­paglilingkod sa mga Pilipino at idinagdag na sila ang mga bayani ng bansa.

Pinuri rin ni Go ang Department of Health, the National DOH Employees Association, Inc. at Unyon ng mga Kawani ng Kagawaran ng Kalusugan Sentral  para sa pag-aayos ng kaganapan para sa mga healthcare worker.

Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Health, patuloy na ipinaglaban ni Go ang mga hakbang para isulong ang kapakanan ng HCW kabilang ang pagbibigay ng COVID-19 allowance sa mga medical frontliners.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with