^

Bansa

Bong Go: Panahon na para magkaisa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher Bong Go ang milyun-milyong Pilipino sa bansa at sa ibang bansa na bumoto sa itinuturing niyang “kabilang sa pinakamatagal, pinakamabigat at pinakamainit na panahon ng halalan” sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pandemya.

Ang senador na bumoto sa Davao City noong Mayo 9, ay nagsabing “Binibigyan ko ng kredito ang sambayanang Pilipino sa pagpapakita at pagpapatunay sa mundo na ang demokrasya ng Pilipinas ay buhay, maayos at umuunlad sa kabila ng lahat ng mga paghihirap at krisis na ating hinarap bilang isang bansa.”

Habang hinihintay ng bansa ang opisyal na resulta ng botohan, umaasa si Go na ang mga Pilipino ay nakapili ng tamang mga pinuno at umapela na bilang mga Pilipino, dapat ­igalang ang mga resulta, suportahan kung sino man ang susunod na mga lider tungo sa pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.

“Tapos na po ang halalan. Nagdesisyon na ang ating mga kababayan. Igalang po natin ang naging resulta dahil iyon naman ang nararapat, na sa demokrasya at sa ganitong pagpapasya ng taumbayan ay ang boses ng higit na nakararami ang dapat manaig,” sabi ni Go.

Muli ring iginiit ni Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pampublikong pinuno na makapagpapatuloy sa mga programa at repormang pinasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte na napatunayang kapaki-pakinabang sa mamamayang Pilipino sa panahon ng administrasyon nito.

Muling iginiit ni Go na ipapaabot niya ang kanyang lubos na suporta sa mga programa ng susunod na administrasyon na magpapaangat sa buhay ng mga Pilipino.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with