Pre-election survey results ng Pulse Asia sa rankings ng top 5 presidential bets, tumpak
MANILA, Philippines — Nagtugma o tumpak ang isinagawang pre-election survey results ng Pulse Asia sa rankings ng top 5 presidential bets base sa resulta ng partial at unofficial na bilangan ng boto ng Comelec sa mga kandidato sa pagka-pangulo ng bansa.
“We saw essentially the same arrangement in so far as voting support for the five main contenders [for president], from Mr. [Ferdinand] Marcos to Vice President Leni Robredo, Senator [Manny] Pacquiao, Mayor [Isko Moreno] Domagoso, and Senator Ping Lacson,” pahayag ni Pulse Asia President Ronald Holmes sa panayam sa ANC television kahapon.
Sinabi ni Holmes na base sa ranking sa preelection survey ng Pulse Asia ay ganito rin ang ranking ng top 5 presidential candidates sa kanilang mga isinagawang survey.
Sa unofficial results ng bilangan 5:32 ng hapon nitong Martes, si Marcos nakakuha na ng 31,02,353; Robredo 14,785,073; Pacquiao, 3,624,946; Moreno 1,885,363 at Lacson 880,479. Ang nasabing ranking ay siya ring nakita sa Pulse Asia survey mula Abril 16 hanggang 26.
Tinataya namang nasa 98% na ng mga boto ang nabibilang.
Gayunman ang opisyal na resulta ay tatagal pa ng linggo bago tuluyang makumpirma.
Nakatakdang isagawa ang canvassing at proklamasyon ng mga nagwaging Presidente at Bise Presidente sa Kongreso.
- Latest