^

Bansa

Boto ni BBM sa North Luzon napunta kay Robredo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadismaya ang kampo ng UniTeam sa mismong araw ng botohan matapos marehistro kay Vice President Leni Robredo ang boto para kay presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr., sa ilang mga inisyal na resulta sa Northern Luzon.

Ayon sa kampo ni BBM, bagaman mapayapa ang botohan ay naireport ang ilang mga reklamo ng iregularidad mula sa mga depektibo at non-working vote counting machines (VCMs) partikular na sa Northern Luzon na balwarte ni Marcos.

Ilan naman sa mga reklamo ay mula sa mga bayan ng Narvacan, Sta Cruz at Burog sa Ilocos Sur gayundin sa Tabuk City, Kalinga.

Sinabi ng mga ito na ibinoto nila si Marcos pero ng i-check ang resulta sa resibo ang boto ay nasa pangalan ni Robredo.

Kabilang sa mga nagrereklamo ay si Raymar Racacho, 50, ng Brgy. Quinarayan, Narvacan, Ilocos Sur na sinabing si Marcos ang Presidente na ibinoto niya sa opisyal na balota.

Gayunman, matapos na isumite sa Board of Election Inspectors (BEIs) ang mga balota ng idaan na ito sa VCM ang lumitaw na resulta sa naimprintang resibo ay Robredo.

Dahil dito, inireport niya ang insidente sa BEI bago pormal na magharap ng reklamo.

Sa Kalinga; nagreklamo rin ang mga botanteng si Joseph Pullis at Benny Paut; pawang ng Brgy. Lacnog East, Tabuk City na naghain din ng reklamo na kapwa nila ibinoto si Marcos pero ang lumitaw sa resibo ay Robredo matapos itong idaan sa VCMs.

Dahil dito, pinayuhan ng kampo ni Marcos ang kanilang mga supporters na maging vigilante at agad na ireport sa mga kinauukulan ang negatibong resulta ng eleksyon.

Base pa sa report na nakarating sa kampo ni BBM hanggang alas -11 ng tanghali, nasa 1, 867 VCMs ang nagkaroon ng problema sa iba pang bahagi ng bansa tulad ng paper jam; 940 ang mga na-reject na balota; 606 ang pumalyang mga VCM scanner; 158 ang mga VCM na hindi nag-imprenta ng resulta at 76 pa ang nagkaroon din ng pagpalya.

vuukle comment

UNITEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with