Walang brownout sa May 9 election - DOE
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Energy (DOE) sa publiko na walang magaganap na brownout sa panahon ng halalan sa bansa sa Lunes, May 9.
Ayon kay DOE-Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, sinimulan na nilang subaybayan ang power situation noon pang Mayo 2 para matiyak na stable at sapat ang suplay ng kuryente na laan sa panahon ng halalan sa bansa.
“So far wala tayong nakikitang mga problema o potensyal na problema pagdating sa serbisyo ng kuryente lalo na sa eleksyon,” pahayag ni Marasigan.
Sinabi ni Marasigan na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa grid operator, National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), power generation companies, at distribution utilities sa pagmonitor sa power situation sa loob ng 24 oras mula noong Mayo 2.
- Latest