^

Bansa

Private bus terminal buksan – NPTC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ng National Public Transport Coalition (NPTC) ang panawagan ng mga commuters at transport workers group sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na sundin ang kautusan ng korte na hindi na ipatupad ang tinatawag na window hours sa mga provincial buses dahil isa itong malaking pasakit at perwisyo sa larangan ng transportasyon partikular sa mga mananakay na pauwi at paluwas ng probinsya.

Ayon kay Ariel Lim, chairman ng NPTC, dapat na buksan ng LTFRB ang paggamit ng mga bus terminals upang maiwasan ang pagdagsa ng mga mananakay lalo ngayong maraming pasahero ang magkukumahog na makauwi ng kani-kanilang mga probinsiya upang makaboto.

Aniya, kung hindi papayagan ang paggamit ng private terminal, marami ang mai-stranded at posibleng hindi na umabot sa May 9 upang makaboto. Hindi na kailangan na maulit ang nangyaring “commuter-geddon” noong holy week.

Sinabi naman ni Dom Hernandez, Secretary General ng Pilipino Society and Development Advocates (PASADA CC), hindi naman kailangan na ipilit sa mga bus ang paggamit ng North Luzon Expressway Terminal (NLET) in Bocaue, Bulacan kung saan maraming mananakay ang  mapeperwisyo at maaabala.

Sinabi naman ni Atty. Vince Hondaris na mula sa samahan ng mga bus operators sa bansa na hindi lamang silang mga bus operators ang mahihirapan kundi maging ang kani-kanilang mga empleyado partikular na ang mga driver at conductor.

Tinukoy ni Hondaris na bukod kasi sa dagdag gastos mula sa mga mananakay ay hindi rin makakapagpahinga ng maayos ang kanilang mga driver at conductor sa sanda­ling ito ay hindi huminto sa kani-kanilang mga bus terminal na mayroong lugar pahingahan.

Kabilang sa mga nanawagan ay group ng TNVS, Taxi Operators, Truck Drivers Philippines, Premium Tax Operators, Tricycle  Group, PISTON, haulers at  UV Express group.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with