^

Bansa

Cusi faction hinirang na 'lehitimong' PDP-Laban, ni-knockout sina Pacquiao

James Relativo - Philstar.com
Cusi faction hinirang na 'lehitimong' PDP-Laban, ni-knockout sina Pacquiao
A banner shows PDP-Laban's logo in this undated file photo
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines (Updated 1:40 p.m.) — Kinilala ng Commission on Elections (Comelec) Special Second Division  bilang "tunay" na representasyon ng partidong PDP-Laban ang paksyon ng presidente nitong si Energy Secretary Alfonso Cusi matapos ang matagal-tagal na bakbakan sa paksyon nina presidential candidate Sen. Manny Pacquiao.

Una nang naghain ng kaso sa Comelec ang kampo nina Cusi laban kina Pacquiao, na dati nang pinatalsik ng partido bilang miyembro. Sa kabila nito, hinalal pa rin ng "orihinal na paksyon" nina Pacquiao si Sen. Aquilino Pimentel III bilang chairperson.

Chairperson sa paksyon nina Cusi si Pangulong Rodrigo Duterte, na matatandaang binatikos ni Pacquiao dahil sa "malambot" niyang paghawak sa pang-aagaw ng Tsina sa mga teritoryo at karagatan ng Pilipinas.

Ayon sa Comelec, ang grupo nina Cusi ang lehitimong kasapian ng PDP-Laban lalo na't sumunod ito sa mga requirements nang maglunsad ito ng national assembly noong ika-17 ng Hulyo, 2022:

  • 30-day notice bago ang asembliya
  • nakapag-establish ng quorum matapos makakuha ng 78% attendees
  • ipinatawag ng national council nito noong ika-31 ng Mayo, 2021 ang asembliya
  • pinamunuan ni Duterte ang asembliya
  • in-adopt at niratipikahan ng mga miyembro ang lahat ng national council resolutions
  • hinalal ang mga national officers at chairperson ng national committee noong asembliya

Sa naturang national assembly hinalal bilang bagong presidente ng PDP-Laban si Cusi.

"Considering that Chairman Duterte's chairmanship is an undisputed and well-settled fact in the aforementioned dates. It is also undisputed that Chairman Duterte's acts on even dates are valid and effective," sabi ng resolusyon ng Comelec Second Division.

"The fact that he prisided over the election of the new sets of party officers and committee chairpersons validates the entire process, making the above-enumerated officers [like Cusi] as the duly elected officers of PDP-Laban."

Kasalukuyang kumakandidato sa pagkapangulo si Pacquiao, hindi sa ilalim ng PDP-Laban ngunit sa ilalim ng Progressive Movement for the Devolution of Initiatives or Probinsya Muna Development Initiative (PROMDI).

Walang pinatakbong kandidato sa pagkapresidente sa 2022 ang PDP-Laban nina Cusi ngunit una nang inendorso ang kandidatura ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 

Maghahain ng mosyon

Iaapela naman ng grupo nina Pimentel ang naturang resolusyon lalo na't hindi pa naman daw agad-agad na ipatutupad ito.

"We will file a Motion for Reconsideration as a matter of right within 5 days from receipt of copy of Decision," wika ni Pimentel na siyang kapaksyon nina Pacquiao.

"[The] petition was fatally defective - it was filed for and on behalf of a political party (which is not a human being) without any Board Resolution authorizing its filing! Ang luwag naman ng Comelec kay Sec Cusi pagdating sa requirements!"

"[The] lawyer who signed didn’t even have updated MCLE requirement!"

Ikinalulungkot din ng kanilang kampo ang desisyon ng Comelec lalo na't marami raw sa kanilang miyembro ay 40 taon nang miyembro ng PDP-Laban at bigla na lang mawawalay dito.

Kabalintunaan diumanoong dahil ito kay Cusi, na limang taon pa lang bahay ng partido.

Inihalintulad din ni Pimentel ang pagkilala ng Comelec kina Cusi sa pagkilala sa "pekeng pera," dahil lang sa mas marami na ito kaysa sa lehitimo.

Matatandaang itinayo ang PDP-Laban bilang parte ng paglaban sa diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Gayunpaman, ang kasalukuyang PDP ay ikinakampanya na si Bongbong. — may mga ulat mula kay Angelia Yang

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

ALFONSO CUSI

COMMISSION ON ELECTIONS

MANNY PACQUIAO

PDP LABAN

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with