^

Bansa

LPGMA patok sa Pinoy consumers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakakasigurado na ang LPG Marketers Association (LPGMA) Party-list ng di-bababa sa isang puwesto sa susunod na Kongreso base sa pinakabago at huli nang survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa mga party-list group bago ang halalan sa Mayo 9.

Sa nasabing SWS survey na isinagawa noong Abril, rumanggo nang panglima ang LPGMA Party-list kung saan pinili ito ng 3.02% ng respon­dents o katumbas ng mahigit 1.3 milyong boto.

Napakalaki ng nangya­ring pag-angat sa survey ng LPGMA Party-list noong nakaraang buwan kung ikukumpara sa kaparehong survey na ginawa ng SWS noong Marso kung saan nasa pang-30 lang ito sa 1.19% o katumbas ng mahigit 500,000 boto.

Sinabi ni LPGMA Rep. at first nominee Allan Ty na nakatulong nang malaki ang kanilang pag-iikot sa mga komunidad upang mabatid ng mga mamamayan na ang LPG ay isang importanteng produkto para sa milyun-milyong tahanang Pilipino at kailangang siguruhin ang kaligtasan ng lahat ng mga gumagamit nito sa pang-araw-araw.

Ang LPG ay hindi lang para sa mga kalan kundi pati na rin sa mga sasakyan at ilang heating appliances na karaniwan sa ibang bansa kung kaya itinatakda ang mataas na pamantayan sa paggamit nito.

Nananalig ang kinatawan ng LPGMA Party-list na magpapatuloy ang kanilang representasyon sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso lalo’t kailangang protektahan ang mga Pinoy consumer laban sa mga mapagsamantalang illegal dealer na nagbebenta ng mga substandard at depektibong LPG na maaaring pagsimulan ng sunog na maaaring makakitil ng mga buhay at makawasak ng mga ari-arian.

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with