^

Bansa

BPOs dalhin sa Mindanao, para makapagbigay ng trabaho – Escudero

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni senatorial candidate at kasaluku­yang Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang mga business process outsourcing (BPO) company na pag-aralan ang pagtatayo ng mga karagdagang opisina sa Mindanao para dumami ang trabaho sa rehiyon.

Binigyang-diin ni Escudero na isa ang BPO sa mga hindi natinag na industriya sa panahon ng pandemya kung saan nakalikha pa ito ng 23,000 bagong trabaho habang ang iba ay nagbawas ng mga trabahador o nagsarado nang tuluyan.

Nito lang Enero 2022, 6.4% ng mga Pilipino na nasa edad ng pagtatrabaho o working age ang walang trabaho (nasa halos tatlong milyon), ayon sa Philippine Statistics Authority.

Naitala sa Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pinakamababang lowest labor force participation rate o LFPR sa 55.6% na nangangahulugan na isa sa bawat dalawang tao ang walang trabaho. Hindi nahuhuli rito ang Zamboanga Peninsula na may 60% LFPR at Davao Region na may 59.5% LFPR naman. Ang pinakamahihirap na probinsiya ay nasa Mindanao rin.

“Nananalig tayo na ang 160,000 trabaho na inaasahang malilikha ng BPO sa 2022 ay hindi lang malilimita sa Luzon or Visayas. Siguro ay puwedeng makipagtulu­ngan ang local government units sa mga BPO companies para sa job matching at skills development para naman maikalat natin ang mga employment opportunities sa lahat ng rehiyon,” ani Escudero na nag-iisang gobernador na kumakandidato para senador.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with