^

Bansa

Ex-Palawan governor pinapa-DQ sa Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsampa ang dalawang residente ng Palawan sa Commission on Elctions (Comelec) ng petisyon para idiskuwalipika si dating Governor Mario Joel Reyes na tumatakbo muli sa dati niyang posisyon sa lalawigan.

Sa 16-pahinang petition for disqualification na inihain nina Nasir Radjudin Miranda at Mohammad Vinarao Asgali, pawang botante at residente ng Batazara, Palawan, ikinatwiran nila na nahatulan na si Reyes na ‘guilty’ ng Sandiganbayan sa kasong Anti Graft and Corrupt Practices Act, kaya bukod sa pagkakulong ay diskuwalipikado na siya na humawak pa ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Hiniling din ng mga petitioner na kanselahin ng COMELEC ang certificate of candidacy ni Reyes para hindi na makatakbong go­bernador ng Palawan dahil sa pagiging “pugante” umano nito matapos na umalis sa bansa para matakasan ang warrant of arrest laban sa kanya.

Matatandaan na nasangkot si Reyes sa pagpatay sa kaniyang bodyguard na naging testigo laban sa kanya sa pagpatay sa anti-corrupt crusader at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

“Petitioners, as registered voters in the province of Palawan, respectfully allege that gubernatorial candidate Mario Joel T. Reyes for the province of Palawan, is disqualified to run for public office based on a decision of a competent court finding the respondent guilty beyond reasonable doubt of the crime of violation of Section 3(e) of Republic Act No. 3019, and thereafter sentenced to an indeterminate penalty of imprisonment of six years and one month as minimum, to eight years, with perpetual disqualification from holding office,” saad ng petisyon na inihain din sa pamamagitan ng Vergara Mamañgun Jamero Law Offices.

Ang kaso ni Reyes ay nag-ugat nang aprubahan niya ang renewal ng permit ng isang ‘small scale ­mining company’ sa kabila ng napakaraming paglabag na ginawa nito na nagiging sanhi ng pagkasira ng kalikasan sa nasabing probinsiya.

Noong Agosto 29,2017, hinatulang guilty si Reyes ng Sandiganbayan kung saan binabaan din siya ng parusang pagkakakulong ng anim na taon at hindi na papayagan pang magkaroon ng anumang posisyon sa gobyerno.

Si Reyes ay naaresto sa Thailand noong 2015 at pinabalik sa Pilipinas upang harapin ang kabi-kabilang kaso laban sa kanya.

vuukle comment

COMELEC

GOVERNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with