Tulfo, Legarda tabla sa top spot ng senatorial survey
MANILA, Philippines — Virtual tie o halos tabla sa pang-unang pwesto sina broadcaster Raffy Tulfo at dating senador Loren Legarda sa katatapos na Pulse Asia Senatorial Preference Survey.
Sa naturang survey na ginanap noong Abril 16-21, 2022, nakakuha si Tulfo ng 50.4% voter preference, dikit sa 49.4% na nakuha ni Legarda. Dahil sa isang porsyentong pagkakaiba, itinuturing ng Pulse Asia na tabla ang puwesto nina Tulfo at Legarda sa pang-una at pangalawang puwesto sa tinatawag na “Magic 12.”
Sinusundan ang dalawang lider sa survey nina Robin Padilla (42.9%); Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (42.3%); Sorsogon Gov. Chiz Escudero (38.6%); Sen. Win Gatchalian (37.0%); Sen. Migz Zubiri (37.0%); dating DPWH secretary Mark Villar (35.9%); JV Ejercito (34.3%); Jojo Binay (32.5%); Sen. Riza Hontiveros (32.3%); at Jinggoy Estrada (32.3%).
Isang linggo bago ang halalan sa Mayo 9, hindi natitinag sa pinakatamataas na puwesto sa iba’t-ibang survey si Legarda.
Sa kabila ng mataas na ‘survey result’ sinabi ni Legarda na lalo pa niyang pag-iibayuhin ang paglapit sa taumbayan upang maisulong ang kanyang ‘legislative agenda’ na nakatuon sa ‘economic recovery’ sa harap na rin ng matinding epekto ng Covid-19 pandemic.
- Latest