^

Bansa

OFW Hospital: ‘Pamana ni PRRD sa OFWs’ — Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang pangako na magbigay ng mas magandang serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan para sa mga Pilipino, lalo sa mga migranteng manggagawa na itinuturing na modernong bayani ng bansa.

Noong Araw ng Paggawa, Mayo 1, kasama ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-inspeksyon sa kauna-unahang Overseas Filipino Workers Hospital sa San Fernando City, Pampanga. Kasama rin nila ang iba pang opisyal ng gobyerno, kabilang sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea, at Department of Health Secretary Francisco Duque III.

“Ngayon, nasasaksihan natin ang pag-inspeksyon sa Ospital ng OFW na magiging isa sa mga pamana ng administrasyong Duterte na maggagarantiya ng dekalidad na pangangala­gang pangkalusugan sa ating mga makabagong bayani – ang ating overseas Filipino workers,” wika ni Go.

“Ang Ospital ng OFW ay isang natupad na pa­ngako na nagsisilbing patunay kung gaano namin pinahahalagahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga sakripisyo at kontribusyon ng ating mga minamahal na OFWs,” dagdag ni Go.

Tiniyak naman ni Go na uunahin ng OFW hospital ang kapakanan ng mga modernong bayani ng bansa, na binibigyang-diin na ang mga OFW ay dapat na makatanggap ng pinakamataas na antas ng serbisyong pangkalusugan.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with