^

Bansa

'Kahit hindi pa positive': COVID-19 close contacts hindi pinaboboto ng DOH

James Relativo - Philstar.com
'Kahit hindi pa positive': COVID-19 close contacts hindi pinaboboto ng DOH
A worker verifies printed ballots which will be used for the May 9 national and local elections, at the National Printing Office in Quezon City, suburban Manila on March 15, 2022.
AFP / Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Bukod sa mga kumpirmadong positibo sa COVID-19, inilinaw ng Department of Health (DOH) na babawalan din ang paglabas ng bahay o quarantine facility ng close contacts ng mga pasyente na nais bumoto sa ika-9 ng Mayo.

Biyernes lang nang sabihin ni Commission on Elections (Comelec) commissioner George Garcia na hindi na talaga pabobotohin ang mga COVID-19 patients na nag-a-isolate sa kanilang mga bahay o mga healthcare facilities sa araw ng halalan.

"Kung kayo po had been exposed or are part of these lockdown area or bahay because of a specific person na kasama niyo sa bahay na positibo [sa COVID-19], 'wag po kayong umalis ng quarantine," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, sa isang media forum.

"At ito po ay hindi ina-allow, ipinagbabawal po natin itong lumabas so we can prevent further transmission of the disease."

Aniya, alinsunod ito sa Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) na nagsasabing hindi pwedeng lumabas sa bahay o quarantine facility ang mga tinamaan ng "infectious disease" na makakaapekto sa public health gaya ng COVID-19 — kasama na ang mga nakasalamuha nila.

Sinasabi ito ni Vergeire kahit na suportado naman daw ng DOH ang karapatan ng lahat ng eligible voters na i-exercise ang kanilang karapatang bumoto. Gayunpaman, hindi raw normal ang panahon ngayon sa gitna ng pandemya.

"[I]n these extraordinary times na meron tayong ganitong pandemya, in these extraordinary times na ang bilis kumalat ng sakit, in these extraordinary times na itong sakit na ito maaaring makapag-produce ng severe and critical cases at maaaring ikamatay ng ibang tao, kailangan nag-iingat po tayo," ayon sa DOH official.

"This is for all of us, not just for your family pero sa lahat po."

"So nakikiusap po tayo, sa atin pong kababayan, kung saka-sakali po na kayo ay may sintomas, ipagpaliban po natin ang pagpunta sa ating voting precincts para hindi na po tayo makapag-cause ng infections dito po sa ating presinto."

Una nang sinabi ng Comelec na handa silang magtayo ng "isolation polling areas" para sa mga botante na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan.

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong nakapasok na ng Pilipinas ang "mas nakahahawang" COVID-19 Omicron sub-variant na BA.2.12.

Lumalabas na nasa 1,399 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa pagitan ng ika-25 ng Abril hanggang ika-1 ng Mayo, ayon sa gobyerno ngayong araw. Sinasabing 5% mas mababa ito kumpara sa mga kaso mula ika-18 ng hanggang ika-24 ng Abril.

Bagama't halos wala nang COVID-19 restricts sa maraming lugar sa Pilipinas maliban sa pagsusuot ng face masks sa gitna ng mga campaign rallies, hindi pa nakikita ng DOH ang posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong lockdowns matapos ang eleksyon.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

DEPARTMENT OF HEALTH

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with