^

Bansa

Pagpapaliban sa brgy. elections sa 2024, pinaboran ni Chiz

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabor si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na ipag­pa­liban na lamang sa 2024 ang December 2022 barangay elections upang maumpi­sahan ng pamahalaan ang paghiwalay ng pagsasa­gawa nito sa ibang halalan.

“Papaburan ko ang postponement ng barangay elections—hindi simpleng postponement lang pero dapat i-desynchronize na sa taon kung saan may local elections. Ang aking layunin ay hindi lamang anim na buwan ang pagpapalitan kung hindi sa taong 2024 para hindi sumabay sa halalan ng 2025,” aniya.

Sinabi ng senatorial as­pirant na kapag nanalo siya sa Senado ay kanyang itutulak ang isang amyenda sa batas upang mapalawig­ ang termino ng mga bagong uupong opisyal ng barangay at Sangguniang Kaba­taan (SK).

Nakamandato sa Republic Act 9340 na dapat na isinasagawa ang baran­gay at SK elections kada tatlong taon subalit palagi itong naaantala kung kaya umaabot ng hanggang limang taon sa kanilang opisina ang mga opisyal.

Mula 2018, tatlong beses nang ipinagpaliban ang barangay at SK elections. Ang nakatakdang halalan ngayong Disyembre ay na­gawa na sana noon pang Mayo 2020.

“Sana sa susunod, kung ipo-postpone din lang natin ang halalan, habaan na lang natin ang termino, imbes na kada tatlong taon pino-postpone natin,” ani Escudero. “Parang kontrata kasi ang eleksyon. Dapat klaro sa tao ang pinapasukan nila na kontrata dun sa opisyal na iboboto nila, kung gaano katagal nga ba sila mani­nilbihan.”

Sa pagtatakda ng barangay at SK elections sa taon kung kailan walang ibang halalang magaganap­, mas makatutok ang gob­yerno sa paghahanda at pagpondo para rito.

Mayroong 42,046 ba­ran­gays sa Pilipinas, ayon na rin sa listahan ng Department of the Interior and Local Government noong Setyembre 2020. 

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with