^

Bansa

DOH natukoy 44 close contacts ng Omicron-BA.2.12 case sa Baguio

Philstar.com
DOH natukoy 44 close contacts ng Omicron-BA.2.12 case sa Baguio
Makikita sa file photo na ito ang ilang kabahayan sa gilid ng bundok sa Lungsod ng Baguio
The STAR / Artemio Dumlao, file

MANILA, Philippines — Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang nasa 44 "close contacts" ng unang Omicron sub-variant BA.2.12 case na natuklasan sa Pilipinas, bagay na sinasabing mas nakahahawa sa karaniwan.

Ito ang ibinahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Huwebes, sa media matapos makita sa Baguio City ang nasabing COVID-19 case sa 52-anyos na babae galing Finland.

Kasama riyan ang mga sumusunod mula sa mga lugar na ito:

  • Quezon City (9)
  • Benguet (5)
  • nakasabay sa eroplano papuntang Maynila (30)

Ang foreign traveler ay sinasabing nagtungo sa isang unibersidad sa Quezon City at Baguio City para magsagawa ng seminar. Nakaranas lang daw siya ng mild symptoms gaya ng pananakit ng ulo at lalamunan siyam na araw matapos niya dumating ng Pilipinas.

Nakabalik na siya ng kanyang bansa noong ika-21 ng Abril nang matapos ang kanyang paggaling at 7-day isolation.

"Initial findings and data suggest that Omicron-BA.2.12 spreads faster," banggit ng DOH sa hiwalay na pahayag kanina.

"There is currently no evidfence that it can cause more severe disease."

Bagama't sinasabing mas mabilis maipasa ang BA.2.12, hindi pa rin ito itinuturing ng World Health Organization bilang isang variant of interest o concern.

Ineengganyo ngayon ng Kagawaran ng Kalusugan ang lahat ng kumpleto na ang primary COVID-19 vaccine doses na kunin na ang kanilang booster shots sa lalong madaling panahon.

Lunes lang nang simulan ng gobyerno ang pagbibigay ng ikalawang booster dose para msa mga eligible immunocompromised individuals, lalo na't bumababa ang bisa ng bakuna habang tumatagal. — James Relativo

vuukle comment

BAGUIO CITY

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with