^

Bansa

Pag-endorso ng MILF kay Robredo, ‘boto para sa kapayapaan sa Mindanao’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pag-endorso ng MILF kay Robredo, �boto para sa kapayapaan sa Mindanao�
Vice President Leni Robredo is endorsed by the Moro Islamic Liberation Front and its political party, the United Bangsamoro Justice Party on April 23, 2022.
Sourced photo

MANILA, Philippines — Ang makasaysayang desisyon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), sa pamamagitan ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), na suportahan ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo ay “boto para sa kapayapaan at progreso sa malaking bahagi ng Min­danao.”

Ganito sinuri ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang tinawag niyang “great impact” ng hindi inaasahang pag-endorso ng MILF sa isang kandidato sa pagkapangulo.

Ayon kay Hataman, ang suporta ng MILF kay Robredo ay magkakaroon ng “domino effect” sa lokal na kampanya sa Mindanao para sa pagka-bise presidente dahil sa impluwensya ng organisasyon hindi lamang sa BARMM kung hindi sa buong isla.

“Ang UBJP at MILF na mismo ang nagsabi na si VP Leni ang best partner para ma-sustain ang kapayapaan na tinatamasa natin ngayon sa Mindanao,” ayon kay Hataman.

“Kaya naniniwala kami na ang endorsement na ito ay magkakaroon ng domino effect sa maraming lugar hindi lang sa BARMM kundi pati sa buong Mindanao. Unang-una na dito ay ang pagsuporta ng dating go­bernador ng Maguindanao kay VP Leni,” dagdag niya.

Ibinunyag din ni Hataman na habang ang pagmamalupit sa panahon ng Martial Law ay may mala­king ambag sa suporta ng MILF, ang kasiguraduhan ng kapayapaan sa Minda­nao sa ilalim ng pamumuno ni Robredo ang malaking dahilan ng desisyon.

“Pero para sa UBJP at MILF, mas matimbang ang panatilihin ang kapayapaan sa hinaharap. What the future holds is more important, if the interests of the Moros will be protected, if the path of peace is kept, and who can this be entrusted to.”

Nanawagan si Hataman sa MILF na abutin ang kamay ng mga ka-alyado at taga-suporta nito kahit sa labas ng rehiyon para itaguyod pa ang kampanya ni Robredo. Ang kongresista ay umaasa na mas marami pang mga lokal na opisyal mula sa rehiyon ang lalabas at maghahayag ng suporta sa tambalang Robredo-Pangilinan sa eleksyon.

 

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with