^

Bansa

DOH: 3.6 milyong napanis na COVID-19 vaccine doses papalitan ng COVAX

Philstar.com
DOH: 3.6 milyong napanis na COVID-19 vaccine doses papalitan ng COVAX
View of boxes containing some of 1,008,000 doses of US Johnson & Johnson vaccines against COVID-19 donated through the COVAX mechanism, upon their arrival at the Air Force base in El Alto, Bolivia, on July 11, 2021.
AFP/Aizar Raldes, File

MANILA, Philippines — Hindi kailangang maglabas ng pera ng gobyerno para mapalitan ang higit 3.6 milyong doses ng COVID-19 vaccines na nag-expire sa Pilipinas — papalitan kasi ito nang libre ng COVAX facility, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa iniereng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state media, Miyerkules, habang ipinapaliwanag na nakipagkita na sila sa mga kinatawan ng vaccine-sharing alliance.

Ang COVAX facility ay ginawa para tiyaking makararating ang bakuna kahit sa mahihirap na bansa.

"'Yung COVAX, meron po silang stockpile ng mga bakuna with longer shelf life. So ang gagawin po, 'yung mga nag-expire na sa atin, umabot na ng mga about 3.6 million doses, which is just about 1.46% of our total inventory ng bakuna," ani Duque kay Digong.

"So, yes sir, papalitan po 'yan. Ire-replace po ng COVAX facility... Wala pong cost."

Paliwanag pa ng kalihim ng DOH, ipinapakiusap din nila ngayon na maging sakop nito hindi lang ang mga bakunang donasyon ngunit kahit ang mga prinocure talaga basta't nag-expire.

Nag-aantay na lang daw sila ng tugon pagdating doon.

Nangyayari ito ngayong bumababa nang husto ang COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong sumadsad sa 123 lang ang bagong kaso kahapon.

Sa kabila nito, bumababa rin ang bisa ng mga bakunang naiturok na sa mga tao noong mga nakaraang buwan, dahilan para sabihin ng health experts na hindi dapat makampante at kumuha ng booster shots.

Lunes lang nang magsimula ang pamimigay ng ikalawang COVID-19 booster shots ng gobyerno para sa mga immunocompromised kaugnay niyan.

"It's nice of them [COVAX] to [replaced the expired vaccines for free]. It's a distinct humanitarian sentiment," tugon naman ni Duterte.

Aabot na sa 67.4 milyong katao ang natuturukan ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas nitong Lunes. Sa bilang na 'yan, 12.9 milyon pa lang ang nakakukuha ng booster shots. — James Relativo

vuukle comment

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with