^

Bansa

Along Malapitan hinirang na Outstanding Congressman of the Year

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala bilang Outstanding Congressman ng Superbrands Marketing International Inc. ang kinatawan ng Unang Distrito ng Caloocan na si Along Malapitan sa Enderun Academic Facility Mckinley Hill, noong Huwebes, Abril 21.

Binigyan ng parangal si Malapitan dahil sa kanyang kahusayan at isa sa mga tinatawag na ‘Nation Builders’ dahil sa patuloy na niyang pagsusumikap para sa magandang kapakanan ng kanyang nasasakupan.

Ayon sa organisasyon, ang unang distrito ng lungsod ng Caloocan ay patuloy na nagpapakita ng pag-unlad sa mga proyektong pang-edukasyon, kalidad na serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan.

Tumatakbong Mayor ng Caloocan si Along Malapitan at ayon sa kaniya ay higit niyang tututukan ang mga programang makakatulong sa mga residente ng Caloocan.

Taong 2016 ginawaran din si Malapitan bilang ‘Most Outstanding Legislator’ ng Superbrands noong siya ay konsehal pa lamang. Sa pahanong ito ay iniakda ni Malapitan ang Free-tuition Ordinance sa University of Caloocan City na nakatulong sa libu-libong iskolar sa Caloocan.

vuukle comment

CONGRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with