^

Bansa

Bong Go: Agriculture smuggling puksain

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling umapela si ­Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na unahin ang kapakanan ng maliliit na manggagawang pang-agrikultura at idiniin ang pangangailangang puksain ang smuggling ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa na nakaaapekto sa kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka sa buong bansa.

Sa isang panayam matapos ang kanyang pagbisita sa mga biktima ng sunog sa Barangay Baesa, Quezon City, hinimok ni Go ang mga kinauukulang ahensya na mahigpit na pangalagaan ang interes ng mga Pilipinong manggagawa sa agrikultura.

Ayon sa League of Associations at La Trinidad Vegetable Trading Areas, ang mga magsasaka ay nalulugi ng humigit-kumulang P2.5 milyon kada araw kasunod ng pagbaba ng 40% na order dahil sa pag­dagsa ng mga smuggled na gulay sa merkado.

Noong unang bahagi ng buwang ito, pinangalanan ni Senate President Vicente Sotto III ang ilan sa mga high-profile na personalidad na umano’y sangkot sa agricultural smuggling sa panahon ng pagdinig ng Committee of the Whole hinggil sa usapin, at hiniling sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na beripikahin ito.

Muling idiniin ni Senador Go ang kanyang apela sa Department of Agriculture na ituon ang pansin sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipinong magsasaka, at iginiit na ang pamahalaan ay dapat na isulong ang mga lokal na produkto kaysa sa mga imported na produkto.

vuukle comment

AGRICULTURE

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with