^

Bansa

Duterte tinabla ang Sim Card Registration bill

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglala­yong iparehistro ang lahat ng SIM cards at social media providers.

Sa pahayag na inilabas noong Biyernes Santo, sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na nais ni Duterte na mas pag-aralan pa ang panukalang SIM Card Registration Act.

Partikular na tinukoy aniya ni Duterte ang pagkakasama ng social media providers sa dapat iparehistro.

Ayon kay Andanar, pinuna ni Duterte na hindi kasama ang social media sa orihinal na bersyon ng panukala kaya kailangang mas pag-aralan ito.

Idinagdag ni Andanar na nakita ni Duterte na hindi masyadong nabig­yan ng kahulugan at napag-aralan ang tungkol sa “state intrusion” o regulasyon tungkol sa social media registration.

Bagaman at pinupuri anya ng Pangulo ang Kongreso sa pagsisikap na masawata ang mga insidente ng cybercrime, hindi naman ito sumasang-ayon sa pagkakasama ng social media sa panukala nang walang tamang guidelines at nalinaw na depinisyon.

Naniniwala aniya si Duterte na maaaring maging mapanganib ang gagawing pakikialam ng gobyerno at surveillance na makakaapekto sa maraming karapatan na pinoprotektahan ng Konstitusyon.

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

SIM CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with