^

Bansa

Presyo ng sibuyas, bumagsak – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak presyo na ngayon ang halaga ng sibuyas dahil sa sobrang dami ng produksiyon .

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Regional Director Antonio Gerundio, nagtaas ng presyo ng sibuyas noong nagdaang taon kaya’t marami ang nagtanim nito. Ngayong nag-anihan na ay dumami ang produksiyon kaya’t bumagsak ang presyo ng naturang produkto.

“Talagang nagdoble ang tinataniman ngayong taon na ito compared to last year. Dahil mahal ang presyo ng nakaraan, hindi bumaba sa P42 per kilo, ang resulta ang aning local storage ay hindi maacommodate ang ibang surplus,” ayon kay Gerundio.

Kung noon umano ay mahigit P60 kada kilo ng sibuyas, ngayon anya ay higit kalahati na lang ang presyo nito kada kilo.

Gayunman niliwanag ng DA na hindi naman bumaba ang kalidad ng sibuyas kahit nagbaba ang presyo nito.

Niliwanag ni Gerundio na may ilan lamang na poor quality ang sibuyas at nagkasakit dahil sa army worm dahil may mga magsasaka ang sumubok na magtanim nito na hindi pa magaling mag-sibuyas.

 

vuukle comment

ONION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with