^

Bansa

DepEd division nag-sorry sa kumalat na 'anti-Robredo' learning modules

James Relativo - Philstar.com
DepEd division nag-sorry sa kumalat na 'anti-Robredo' learning modules
Presidential candidate Vice President Leni Robredo and her running mate Sen. Kiko Pangilinan meet supporters amid rain in Tanay Park, Tanay, Rizal, on Tuesday, April 5, 2022.
Philstar.com / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Kinumpirma at ipinaghingi ng tawad ng Department of Education (DepEd) ang viral self-learning modules ng mga estudyante na puros negatibo laban kay presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo — bagay na "partisan" daw ngayong halalang 2022.

Sa nasabing learning module na "Introduction to the Philosophy of the Human Person", na ginamit nang marami ngayong COVID-19 pandemic, makikitang panay tungkol kay Robredo ang laman ng ilang multiple choice questions — kahit na grammar, spelling at reasoning ang katanungan.

Nakalagay sa multiple choices ang mga katangang, "Robredo lies to world, shames the nation and herself in UN message," atbp. Nagbibigay din ng impresyong panay reklamo lang laban sa gobyerno ang bise.

"The material was validated to have come from the Schools Division Office of Manila, which submitted its official statement on the matter," ayon sa opisyal na pahayag ng DepEd, Biyernes.

"The Division office expressed its apology for any harm that the incident may have caused to individuals or groups. It committed to strictly abide by the quality control and conformance review process set by the Department when developing and producing learning modules."

Aniya, ang materyal ay isang locally produced module na inilimbag noong Setyembre 2020 para sa school year 2020-2021 noong hindi pa available ang fully reviewed SLMs mula sa DepEd central office.

Agad naman daw inutusan ng DepEd division office ang mga school heads na bawiin ang hard copies ng naturang modules, maliban pa sa pagtatanggal nito sa Learning Resource Management online portal ng dibisyon.

Dagdag pa ng kagawaran, natukoy na nila kung sino ang nagsulat ng nasabing educational material ngunit pumanaw na raw siya noon pang 2020.

"DepEd assures the public as well as candidates in the ongoing elections that we are exerting all efforts to warn our officials and personnel, including teachers, against participating in partisan politics," panapos ng DepEd.

'Hindi dapat nakapaglabas ng ganoon'

Kinundena naman ni VP Leni ang bali-balita tungkol sa mga naturang learning materials, na sinasabing ginagamit ng mga Grade 11 students.

"[R]esponsibility nila ito eh. ‘Yung DepEd dapat hindi nagpapalabas ng anything – not just because ako ‘yung nasa receiving end ng ginawa, pero kahit ano na magpo-poison sa minds ng mga tao, dapat hindi ‘yun pinapalusot ng DepEd," banggit niya isang panayam ng reporters sa Dagupan City, Pangasinan kanina.

"[K]ung totoo na naka-lusot ito sa Grade 11 na mga modules, gustong sabihin na napaka inefficient ng DepEd. Ito lang ‘yung pinaka-ebidensya na napaka inefficient nila na pinapayagan nila na ‘yung  mga module na ganito nakakalusot sa kanila."

Pebrero 2022 lang nang iulat ng academe-media fact-checking collaboration na Tsek.ph na si Robredo ang kandidatong pinakapinupunrtiya ng disinformation ngayong eleksyon.

Marso lang nang maibalitang kumakalat ang mga "text blasts" kung saan sinasabing ipadedeklara raw ni Robredo bilang pambansang bayani si Communist Party of the Philippines-New People's Army founder Jose Maria Sison.

Ayon sa mga naturang mensahe, sinabi niya raw ito sa panayam ng Rappler. Binanggit na ng naturang media outfit na walang ganoong interview na nangyari sa kasaysayan. — may mga ulat mula kay Angelica Yang at Xave Gregorio

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

DEPARTMENT OF EDUCATION

FAKE NEWS

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with