Jobless Pinoys lumobo sa 3.13 milyon
MANILA, Philippines — Pumalo sa 3.13 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho nitong Pebrero 2022 kahit niluwagan na ang restrictions, pero karamihan naman ay walang makuhang trabaho dahil marami pa ring negosyo ang hindi pa rin nag-ooperate.
Ayon kay Philippine Statistics Authority chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, karamihan ng unemployed adults ay nasa edad 15-anyos pataas.
Ang 3.13 milyong jobless Pinoys noong Pebrero ay mataas sa 2.93 milyon na walang trabaho noong Enero. Mas mababa naman ito sa 4.19 million noong February 2021.
Sinabi ni Mapa, nang lumuwag ang restrictions sa ilalim ng Alert Level 2 nitong Pebrero ay marami ang naghahanap ng trabaho na umabot sa 63.8% nitong Pebrero 2022, mas mataas sa 60.5% noong Enero 2022.
“Marami ang naghahanap ng trabaho pero hindi sila nakakuha ng trabaho na gusto nila. Possible reasons are not enough jobs or some are waiting for other opportunities,” pahayag ni Mapa.
- Latest