^

Bansa

17 volcanic quakes naitala sa Taal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
17 volcanic quakes naitala sa Taal
This handout photo taken and received on March 26, 2022 from the Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) shows the Taal volcano, which sits in a picturesque lake in Batangas province, after an eruption sent ash and steam hundreds of metres into the sky.
Handout / Philippine Volcanology and Seismology / AFP

MANILA, Philippines — Nakapagtala kahapon ang bulkang Taal ng 17 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24-oras.

Batay sa inisyung latest bulletin ng Phivolcs, nabatid na kabilang dito ang apat na volcanic tremor events na tumatagal ng mula isa hanggang dalawang minuto, at 13 low-frequency volcanic earthquakes

Ayon sa Phivolcs, may naganap din na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na may taas na 900 metro na napadpad sa timog-kanluran.

Kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 3 (Magmatic unrest) sa Taal Volcano.

Babala ng Phivolcs na sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot sa ilalim ng Main Crater ay maaaring magdulot ng karagdagan o ma­lakas na pagputok.

Mariin ding iminumungkahi ng DOST-Phivolcs sa lahat na lumikas mula sa Taal Volcano Island (TVI) at mga high-risk barangays ng Bilibinwang at Banyaga, Agoncillo at Boso-boso, Gulod at silangang bahagi ng Bugaan East, Laurel, Batangas dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung sakaling magkaroon ng malakas na pagputok.

Hinihikayat din ng Phivolcs ang mga residente sa paligid ng Taal Lake na maging mapagmatyag at mag-ingat dahil sa posibleng ashfall at fog at laging handa sa posibleng evacuation sakaling ang aktibidad ng Taal ay lumala.

vuukle comment

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with