^

Bansa

'Laya na': Korte ibinasura kaso vs doktorang ni-red-tag ng NTF-ELCAC

James Relativo - Philstar.com
'Laya na': Korte ibinasura kaso vs doktorang ni-red-tag ng NTF-ELCAC
Kita sa undated photo na ito si Dr. Natividad Castro.
Mula sa Facebook ni Jun Castro

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Bayugan City RTC ang kasong kidnapping at serious illegal detention laban sa aktibistang doktor na si Natividad Castro — ito matapos ipilit ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na "central committee member" siya ng Communist Party of the Philippines-New People's Army.

Ayon sa resolusyong pinetsahang ika-25 ng Marso, dismissed ang mga kaso laban kay Castro dahil nalabag ang due process at walang "probable cause" para maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

"Without probable cause, the court did not acquire jurisdiction over the accused which warrants the dismissal of the case," ayon kay  Acting Presiding Judge Fernando Fudalan Jr. sa pitong-pahinang dokumento.

"With the dismissal of the case, the custodian of the accussed, BJMP Agusan del Sur, is ordered to release immediately accused Dra. Natividad Castro from detention upon receipt of this resolution unless her continued detention is justified for some other lawful case."

Wala rin daw subpoena na inisyu kay Castro, na hindi raw pwede kung magkakaroon ng preliminary investigation. "Offensive" daw sa due process ang ganitong gawi, ayon kay Fudulan.

"No amount of reason, like what the prosecution raised that respondent is an NPA member and have no permanent address, would ever justify its non-issuance," patuloy ng hukom.

Kasama na ang pamilya

Miyerkules nang makabalik ang 53-anyos sa Metro Manila matapos makulong nang 42 araw. Ika-18 ng Pebrero nang arestuhin si Castro, na dating secretary general ng Karapatan-Caraga, sa San Juan City.

Una nang sinabi ng Philippine National Police na hindi ang kanyang CPP "membership" ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto ngunit ang kanyang mga "krimen."

Lagpas isang buwan na  nang sabihin ng Commission on Human Rights na maaaring makasuhan ang PNP sa kwestyonableng pag-aresto kay Castro. Matatandaang naiulat na hindi unipormado ang ilan sa mga humili at hindi properly identified, maliban sa paggamit daw ng sobra-sobrang pwesa.

Sinasabing nasa 15-20 arresting officers din daw ang sumalakay sa bahay ng doktora nang mangyari ito sa San Juan, ayon kay Menchi Castro, kapatid ni Dok Naty.

Pamamayani ng katotohanan vs red-tagging

Ikinatuwa naman ng human rights groups ang paglaya ni Castro, lalo na't pinagkaitan siya ng due process nang siya'y "arbitrarily" arestuhin at ikulong.

"We in Karapatan welcome the release of Dr. Natividad Castro based on the court’s decision on her motion to dismiss," ayon kay Karapatan secretary general Cristina Palabay, Huwebes.

"This proves that the NTF-ELCAC’s malicious and baseless statements against our red-tagged colleague and community doctor are all lies."

Nakikiisa rin naman daw sila sa pamilya ni Dok Naty at hinihikayat siyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang community health at human rights worker para panagutin ang mga "lumabag sa kanyang karapatan."

Pinagpupugayan din ng Philippine Medical Students' Association ang desisyon ng korte pagdating sa mga "gawa-gawang kaso" laban kay Castro.

"Isa itong matinding patunay na ang NTF-ELCAC ay isang bogus na institusyon na ang tanging silbi lamang ay magpahamak ng inosenteng mamamayan sa pamamagitan ng walang habas na redtagging," ayon sa PMSA.

"Dapat panagutin ang NTF-ELCAC para sa iligal na pagdakip kay Doc Naty! Panahon na para buwagin ito at ilaan ang milyon-milyong pondong nilulustay ng gobyerno para sa red-tagging at pagpapalaganap ng terorismo sa mamamayan at sa halip ay labanan ang krisis pangkalusugan. Ang panawagan ng PMSA: Abolish NTF-ELCAC! Hands off our health care workers! End state fascism!"

Bago ang COVID-19 pandemic, nagsimula si Castro ng ilang health programs sa Mindanao. Dinala rin niya noon ang isang miyembro ng Lumad community sa United Nations sa Geneva para humingi ng tulong laban sa harassment laban sa mga katutubo.

vuukle comment

ACTIVISM

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with