^

Bansa

Duterte sa PDEA: Bilang ng illegal drugs na nakapasok sa Pinas, ireport sa ICC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa PDEA: Bilang ng illegal drugs na nakapasok sa Pinas, ireport sa ICC
Samantala, pansamantala munang sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon laban sa crime against humanity ng war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines — Pinagsusumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies ng report sa International Criminal Court (ICC) tungkol sa bilang ng tonelada ng ilegal na droga na nakapasok sa bansa.

Kabilang umano sa ilalagay sa report ang toneladang shabu na araw-araw ay dumadagsa sa Pilipinas, sa kabila umano ng ginagawa ng gobyerno ay talagang marami pa rin ang droga sa bansa.

Sa kabila nito, iniulat naman ni DILG Secretary Eduardo Año sa Pangulo na mayroong 1,162 anti-illegal drug operations ang mga otoridad simula Marso 20-26 kung saan mayroong 72 indibidwal ang personal na sumuko, 167 katao naman ang naaresto.

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga nasabing police operations habang may P453,203,447 halaga ng droga ang nakumpiska.

Samantala, pansamantala munang sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon laban sa crime against humanity ng war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

Ito ay matapos sumulat si Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya kay ICC Prosecutor Karim Khan na humihiling na itigil na ang imbestigasyon habang pinag-aaralan ang lawak at epekto ng nasabing ulat.

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with